3 opisyal ng DPWH at DENR, nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman

3 opisyal ng DPWH at DENR, nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman

NAHAHARAP ngayon sa kasong graft ang tatlong opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tanggapan ng Ombudsman.

Ito ay matapos ihain ang reklamo ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Sa Laging Handa briefing, kinilala ni PACC Chairperson Greco Belgica ang mga opisyal na sina DPWH Assistant Secretary Antonio Molano Jr. at Environmental Management Bureau Directors Metodio Turbella at Lormelyn Claudio.

Ayon kay Belgica, nag-ugat ang kaso sa umano’y maanomalyang pag-isyu ng permits at certificates ng mga ito sa flood control project sa Zambales.

Hindi naman nagbigay ng ibang detalye si Belgica, pero tiniyak nito na magsusumite ng mga dokumento sa Ombudsman gaya ng investigation report ng PACC.

Dagdag pa nito, isinusulong din ng PACC ang administrative charges laban kay Molano, Turbella, at Claudio.

(BASAHIN: ARTA at PACC, paiigtingin ang laban kontra korupsiyon sa huling taon ng Duterte Administration)

SMNI NEWS