ARTA at PACC, paiigtingin ang laban kontra korupsiyon sa huling taon ng Duterte Administration

NGAYONG araw pormal na lumagda sa isang kasunduan ang Presidential Anti-Corruption Commission o PACC at Anti Red-Tape Authority o ARTA kaugnay sa laban kontra korupsiyon.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, pagtutugmain ang mandato ng dalawang ahensya sa paghawak ng mga reklamo ng korupsiyon at red tape sa gobyerno.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, hindi pwedeng ihiwalay ang red tape sa korupsiyon.

Pareha raw kasi itong hadlang sa pag-unlad ng bansa.

Ang PACC ang hahawak sa mga reklamo na may kaugnayan sa graft and corruption.

Sakop din nito ang mga kaso ng pagkamal ng yaman ng mga taga gobyerno.

Pati na ang mga paglabag sa Code of Conduct ng mga taga gobyerno.

Mga reklamong tatanggapin ng PACC:

– Paglabag sa RA 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act

– Paglabag sa RA 1379 o Unlawful Acquisition of Property by a Public Officer or Employee

– Paglabag sa RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees

Ang ARTA naman, hahawakan ang mga reklamong may kaugnayan sa Ease of Doing Business Law.

Reklamong tututukan ng ARTA:

– Mga paglabag sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act

Mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang target ng dalawang tanggapan.

“Yes, ang cooperation pong ito is dedicated and focused on strengthening the fight against corruption and bureaucratic red tape. Every time there is red tape there is corruption and every time there is corruption, red tape is also present. So with the remaining month as the President has always said that he will dedicate his remaining months in office to fight corruption and bureaucratic red tape, ito po ang sagot ng kanyang mga ahensiya sa hamon po niyan para labanan ang korapsiyon at red tape,” pahayag ni Greco Belgica, Chairman, PACC.

“PACC po ay Republic Act 3019 ang Anti Graft and Corrupt Practices Act na very comprehensive po ang mga actions on corruption na maari hong masakop ng RA3019 at 6713 ay kasama rin po dyaan. Sa isang dako naman po ang Anti-Red Tape Authority ay governed ng RC 11032 or Ease of Doing Business and Delivery Act series of 2018 o ang sinasabi nga ho nilang bagong ARTA Law na ito naman ay mayroon mga specific lamang na mga actions na patungko ho sa mga pang-iipit ng papel, sa di pag bibigay ng resibo at failure to process within the prescribed processing time at yung fixing bagama’t mas concentrated or mas specific po ang mga actions lamang na covered ng ARTA subalit ang sakop naman na mga ahensiya ay National, Local hanggang Barangay,” ayon naman kay Atty. Jeremiah Belgica.

Maaari ding magsagawa ng joint investigation ang PACC at ARTA kung sakop ng kanilang jurisdiction ang isang kaso.

Ang dalawang namumuno sa mga  nasabing ahensya ay magkapatid kung saan si Greco para sa PACC at si Jeremiah para sa ARTA.

Isang malaking hamon sa gobyerno ang pakikipaglaban nito sa katiwalian dulot ng korupsyon at sa pinagsanib na pwersa ng ARTA at PACC na nagkataon namang pinamumunuan ng magkapatid na kilala rin bilang mga tumutugis sa korupsiyon, mas mapapabuti ang kalagayan ng Pilipinas.

(BASAHIN: ARTA, pinaalalahanan ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa cut-off, quota systems)

SMNI NEWS