3 presidentiable, binanatan ang kampo ni VP Robredo sa tangkang paatrasin sa halalan

3 presidentiable, binanatan ang kampo ni VP Robredo sa tangkang paatrasin sa halalan

BINANATAN ng tatlong presidentiable si VP Leni Robredo dahil sa tangka nitong paatrasin ang tatlong kandidato sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sa isinagawang presscon kahapon ng Easter Sunday, itinuro nina Senator Panfilo Lacson, Mayor Isko Moreno, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales na ang kampo ni Vice President Leni Robredo ang nagtutulak para sa kanilang pag-atras sa 2022 elections.

Sinabi ni Lacson sa umpisa pa lang ay tinatrabaho na nila ito.

Matatandaan aniya na mayroon ng unification efforts ginawa si Robredo bago pa man ang filing ng certificate of candidacy sa buwan ng Oktubre ng  nagdaang taon.

“Doon ko nakita kung ano ang intention. Intention was not to unite the so-called opposition, but to unite under one candidate. ‘Yung candidate na ‘yun ang kumakausap sa amin, si Vice President Leni Robredo…very obvious that the intention was to unite under her,” pahayag ni Lacson.

Dagdag ni Lacson, nagkaroon pa ito ng follow-up mula sa isang dating alkalde ng Quezon City na si Jun Simon at Minority Floor Leader Senator Franklin Drilon.

Sinabi din ni Manila City Mayor Isko Moreno na pinapaatras din sya ng kampo ni VP Robredo sa presidential race.

Una nang naging usap-usapan na sa May 1 ay aatras na si Isko sa kanyang kandidatura, at kung sakaling manalo si Leni pagka-presidente ay itatalaga naman siya bilang Interior Secretary.

“How far is the truth? I don’t know. But how persistent they are? If I may borrows Senator Ping Lacson’s word, ‘hinuhubaran kami.’ Hindi kami mabili ang binili tao namin. May bumili sa mga tao ni Senator Ping, may bumili sa mga tao namin at it seems isang kulay lang ang lahat na ito,” ayon kay Moreno.

Inilahad naman ni dating defense secretary Norberto Gonzales na si dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon, na isang supporter ni Robredo , ang lumapit sa kanya para paatrasin sya sa laban.

“Si former Commissioner (Rowena) Guanzon sinabi niya ‘My friend magpakabayani ka. Umatras ka na at tulungan mo ‘yung kandidato ko,’ that’s one,” ayon kay Gonzales.

Bukod kay Guanzon ay mayroon pa aniyang dalawa na naghikayat din sa kanya ngunit ayaw pangalan ni Gonzalez dahil sa malapit sila na kaibigan.

“I have two others na nakiusap sa akin but please respect their privacy kasi mga kaibigan ko talaga sila na matalik…Ang sinasabi nila sa akin ay magpakabayani ako’t tulungan nalang ang kanilang kandidato,”ani Gonzales.

Kaugnay nito nilinaw naman ng tatlong kandidato na hindi sila aatras sa halalan. Ito anila ang pinakamensahe ng joint press briefing.

BASAHIN: VP Robredo, di na malilinlang ang publiko – BBM camp

Follow SMNI News on Twitter