TINATAYANG nagkakahalaga ng P204M ang nakumpiskang shabu sa Norzagaray, Bulacan nitong Huwebes, Mayo 15, 2025.
Tatlong suspek ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naturang buy-bust operation.
Sa ulat, nasa 30 kilos ng shabu ang nakalagay sa vacuum-sealed na mga plastic bag.
Nahaharap na ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.