MASISIMULAN na ang konstruksiyon ng P93.59M na San Mateo Water Supply System sa Norzagaray, Bulacan.
Ito’y matapos isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa water project noong Nobyembre 22, 2024 sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kung matatapos na, aabot sa 3K na kabahayan sa Brgy. San Mateo at Brgy. Bigte sa Norzagaray ang makakabenepisyo nito.
Makatutulong din ito para mapabuti ang irigasyon at iba pang livelihood activities sa nabanggit na lugar sa Bulacan.