3 suspek, naaresto sa Germany dahil sa umano’y paghahanda sa Islamic attack

3 suspek, naaresto sa Germany dahil sa umano’y paghahanda sa Islamic attack

NAARESTO ang dalawang lalaking magkapatid na German Lebanese sa Germany matapos pinaniniwalaang naghahanda ang mga ito para sa isang pag-atake.

Kasama ring naaresto ng dalawa noong Linggo, Disyembre 8, 2024 ang isang lalaking German Turkish.

Sa ulat ng mga awtoridad, bumili na ang mga suspek ng mga armas tulad ng assault rifle at ammunition, maging mga balaclava, protective vest at mga kutsilyo kasama ang ilang cellphones.

Ang dalawang magkapatid na mga lalaki ay nakikisimpatiya sa Islamic State Group at nakikita ng mga prosecutor at police na ito ang dahilan para bumili ng iba’t ibang armas para sa plano nilang pag-atake.

Sa kabila naman ng mga nabiling kagamitan ay wala pa silang konkretong banta sa publiko dahil ayon sa mga naaresto, hindi pa sila gumawa ng partikular na plano o target hinggil sa pag-atake.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble