NASA 750 na mga Pilipino ang kabuuang nailikas mula sa Sudan ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Batay ito sa kanilang record kasunod sa nangyaring sigalot sa Khartoum noong Abril.
Ibinahagi ni DFA Asec. Paul Cortes, mayroon pang 150 na nag-aantay na mailikas at mula sa bilang na ito ay 30 ang nasa Port of Sudan ngayon.
Nag-aabang aniya ang mga ito ng masasakyan para makaalis mula sa naturang bansa.
Sa ngayon ay umaasa ang DFA na mabigyan na agad ng masasakyan ang mga Pilipinong nais makalikas sa Sudan partikular ang mga nag-aantay na sa port.