NAKATAKDANG bumisita sa bansa si Chinese State Councilor and Foreign Minister Qin Gang ngayong linggo.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa pahayag ng DFA, magsisimula ang official visit ni Qin ngayong Abril 21-23 batay na rin sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Kabilang sa posibleng tatalakayin sa gagawing state visit ni Qin sa bansa ang pagpatutupad sa mga naunang kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas noong bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Beijing.
Partikular na dito ang usapin sa South China Sea, agrikultura, kalakalan, enerhiya at imprastraktura.
Hndi naman kinumpirma ng DFA kung makikipagpulong din si Qin kay Pangulong Marcos.