SUMAILALIM sa isang surprise drug test ang lahat ng station commanders ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong araw.
Dagdag na tugon ito sa kampanya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Isang patunay na hakbang din ito ng mga tauhan ng NCRPO para patunayan na wala silang kinalaman sa isyu ng iligal na droga.
Nauna nang tiniyak ng NCRPO na 100% silang kumpiyansa na malinis ang kanilang buong hanay sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.