ASAHAN na mas marami pang super health centers ang bubuksan ngayong taon.
Ito ang inilahad ni Mr. Malasakit Senator Christopher ‘Bong’ Go sa isang interview kasabay ng opisyal na pagbubukas sa bagong capitol building ng Laguna.
Ayon sa senador, 322 na super health centers ang target na maitayo ngayon taong 2023, kabilang na ang 4 na bubuksan sa Laguna.
Ani Go, layunin ng super health centers na ilapit sa mga Pilipino ang medical services.
Kabilang naman sa serbisyo ng super health center ay ang specialized health services tulad ng outpatient department, laboratory, X-ray, ultrasound, birthing services, diagnostic, pharmacy, emergency services, at iba pa.
At dahil sa kasama sa Universal Healthcare Act ang super health center ay libre ang lahat ng serbisyo rito.