INANUNSYO ng Southeast Asian Games Federation na nakatakdang ganapin sa Pilipinas ang 37th edition ng Southeast Asian Games sa taong 2033.
Ito ang inihayag ng Olympic Council ng Malaysia sa Facebook page nito.
Samantala, ang 36th Edition ng SEA Games naman ay gaganapin sa bansang Laos sa 2031.
Magugunitang, apat na beses nang nag-host ang Pilipinas ng SEA Games noong 1981, 1991, 2005 at 2019.
Ginanap naman ang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam noong Mayo 12-23.
Samantala, nakatakdang gawin ang susunod na SEA Games sa Cambodia ngayong taong 2023, Thailand sa taong 2025, Malaysia sa taong 2027 at Singapore sa taong 2029.