38.7 °C na temperatura sa Tuguegarao City noong Linggo, pinakamainit

38.7 °C na temperatura sa Tuguegarao City noong Linggo, pinakamainit

NAITALA sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan ang pinakamainit na temperatura na naitala sa bansa ngayong taong 2023.

Ito’y matapos maitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  ang 38.7 °C na temperatura sa lungsod noong araw ng Linggo.

Sinundan naman ito ng 37.5 °C na naitala sa Muñoz sa Nueva Ecija habang puma-pangatlo ang 37.2 °C na naitala sa Dagupan City sa Pangasinan.

Naitala naman sa Pasay City ang 36.4 °C; sa lungsod ng Maynila ang 36.2 °C at 35.5 °C naman sa Quezon City, Sangley Point sa Cavite, at Cotabato City sa Maguindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter