NASAWI ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa tropa ng 94th Infantry Battalion sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor, nangyari ang engkuwentro matapos ang sumbong ng mga residente sa Brgy. Carabalan na nangingikil ng mga pagkain at suplay ang mga NPA sa lugar.
Tinatayang 20 miyembro ng NPA ang nakaharap ng mga sundalo na agad ding tumakas.
Nakuha sa lugar ang dalawang M16 rifle, dalawang M203 grenade launchers, at dalawang AK47 rifle.
Kasabay rito, pinuri ni Brigadier General Marion Sison, Commander ng 3rd Infantry Division ang pakikipagtulungan ng mga residente sa militar laban sa NPA.