4 na FA-50 Fighter Jets ng Pilipinas nasa Australia na para lumahok sa Pitch Black Military Exercises ngayong taon

4 na FA-50 Fighter Jets ng Pilipinas nasa Australia na para lumahok sa Pitch Black Military Exercises ngayong taon

KUMPLETO na ang 4 na FA-50 Fighter Jets ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Military Exercise Pitch Black 2024.

Kasabay rito, nasa Darwin, Australia na rin ang main contingent ng PAF para sa nasabing pagsasanay.

Personal silang sinalubong sa Royal Australian Air Force Base sa Darwin ng Executive Director ng Pitch Black 2024 na si AirCdre. Pete Robinson.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak sa isang international military exercise ang mga FA-50 aircraft ng Philippine Air Force.

Bago ito, nagbigay muna ng kaniyang send-off si Philippine Air Force Commander, Lt/Gen. Stephen Parreño para sa mga kalahok sa Basa Air Base sa Pampanga.

Dito kaniyang binigyang diin na ang paglahok ng Air Force sa Pitch Black ay patunay lamang ng mahabang paghahanda upang paunlarin ang kanilang operational capabilities at pagpapatatag ng international partnership.

Follow SMNI NEWS on Twitter