NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang apat na mga guest ng Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City ilang araw matapos labagin ng resort ang ilang COVID-19 protocols.
Ito ay ayon mismo kay Caloocan City Administrator Oliver Hernandez.
Ayon pa kay Hernandez, kalimitan sa mga nagpositibo ay nagpakita ng mild symptoms kabilang na ang isang bata.
Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ang 200 iba pang guest sa nasabing resort.
Matatandaang, pinasara na ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan ang nasabing resort matapos tumanggap ng 500 visitors na lumabag sa social distancing at face mask policies.
(BASAHIN: Gubat sa Ciudad Resort, sasampahan ng kaso dahil sa paglabag ng MECQ protocol)