Philippine Red Cross, nilinaw na hindi ito nagbebenta ng Moderna vaccines

Philippine Red Cross, nilinaw na hindi ito nagbebenta ng Moderna vaccines

BINIGYANG linaw ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi ito nagbebenta sa publiko ng mga COVID-19 vaccines ng Moderna ngunit gagawin lamang nila ito sa mga member at donor ng PRC na handang gumastos.

Kahapon sa media forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, sinabi ni Senator Richard Gordon, ang chairman ng PRC, na maniningil sila ng P3,500 sa bawat dalawang dosis ng mga bakuna ng Moderna kapag dumating na ito.

(BASAHIN: US Firm Moderna, 20 milyon dosis darating na sa bansa)

Ani Gordon 200,000 dosis ang binili ng PRC mula sa naturang American pharmaceutical firm, sapat na ito para maturukan ng first at second doses ng 100,000 katao.

Darating na ang paunang batch na 1,500 dosis ngayong buwan ng Hulyo ayon sa senador.

Paliwanag ni Gordon hindi pineperahan ng PRC ang mga bakuna kundi dahil kailangan nilang mapunan ang kanilang nagastos sa pag-secure ng suplay ng bakuna ng Moderna at sa pagpangasiwa nito sa publiko.

Aniya makatwiran lamang itong gawin ng kanilang organisasyon.

“We have to have PPEs, we have to have our people fed and they have to have support in terms of the vaccination,” he added, “and if you count the other things like electricity, and the ambulance, etc., I think that’s a fair thing do,” pahayag ni Gordon.

Sa statement ng organization, nilinaw ni PRC Governor Ma. Carissa Coscolluela na hindi ito nagnenegosyo ng pagbebenta ng mga bakuna.

Aniya ibig sabihin ni Gordon ay bumili ang PRC ng COVID-19 vaccines ng Moderna at balak ng organisasyon na mabakunahan ang Red Cross members at donors na handang gumastos para sa mga bakuna na nagkakahalaga ng mahigit 1,0000 bawat dose, kasama na rin ang administration fee na sumasaklaw sa gastos para sa syringes, gloves, PPEs, pagkain at allowance ng mga doktor at nurses at iba pang essential expenses na kaugnay sa vaccination.

“What he (Gordon) said was that the PRC procured Moderna COVID-19 vaccines and intends to vaccinate Red Cross members and donors, who are also our members, who are willing to bear the cost of the vaccines, which was US$26.83 (around P1,286) per dose plus an administration fee that covers costs for syringes, gloves, PPEs, meals and allowances of our doctors and nurses, and other essential expenses related to the vaccination,” paglilinaw ni Coscolluela.

SMNI NEWS