Sa ulat ng BOC-NAIA, kinumpiska ang nasabing mga tarantula dahil walang kaukulang dokumento mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
At bukod pa rito, idineklarang naglalaman ng snacks at mga tuyo o ‘salted fish’ ang parsela ngunit nabisto ng scan machine na naglalaman ito ng apat na bote na may lamang tarantula.
Batay sa pahayag, ipinadala ng isang sender mula sa Caloocan ang parsela sa pamamagitan ng express mail service ng Philippine Postal Corporation patungo sa isang recipient sa South Korea.
Agad iti-nurn over ang mga tarantula sa pangangalaga ng DENR.
Ayon sa BOC, ang naturang gawain ay paglabag sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act).