AKSIDENTE ang nangyaring sunog sa Manila Central Post Office noong Mayo 22, 2023.
Ito ay ‘purely accidental in nature’ ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa inilabas na pahayag ng Philippine Postal Corporation (PPC), idineklara na ng BFP ang imbestigasyon bilang ‘closed and solved’.
Sa pahayag, base sa clearance certificate na inisyu ng BFP, nagmula ang sunog sa silangang parte ng basement, partikular na sa Mega Manila storage room kung nasaan ang mga office supplies, thinners, paint cans, at malapit sa car batteries na nakaimbak sa loob ng kuwarto.
Bukod dito, napag-alaman din ng BFP na ang combustible content ng Post Office building ay nakaimbak sa kulob na lugar na nakaapekto sa heat build-up sa loob ng gusali na sanhi ng pagsabog at sunog.