4 pulis na sangkot sa kidnap for ransom maituturing na sindikato—Sec. Abalos

4 pulis na sangkot sa kidnap for ransom maituturing na sindikato—Sec. Abalos

APAT na pulis kabilang ang isang police major ang arestado dahil sa pagdukot sa tatlong Chinese at isang Malaysian, kaugnay ito sa nangyaring kidnap for ransom noong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr., modus ng mga pulis na manghuli ng mga dayuhan na kunwari ay may kaso at hihingian ng pera.

Sa isang pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. na maituturing na sindikato ang grupo dahil nagawa nilang makapag-operate ng ganitong krimen.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng mga dayuhang dinukot dahil sa mabilis na aksiyon ng pulisya.

Base sa ulat ng PNP, dalawa sa kanila ang nakatakas at nagsumbong sa mga awtoridad habang ang dalawa naman ay nagbayad ng P2.5-M na ransom.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng PNP ang apat na pulis na sangkot sa kidnap for ransom habang patuloy pa na tinutugis ng kapulisan ang 10 sibilyan na kasabwat ng mga pulis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble