33rd North Luzon Area Business Conference ng PCCI, isasagawa sa Cauayan City

33rd North Luzon Area Business Conference ng PCCI, isasagawa sa Cauayan City

ISASAGAWA ang ika-33rd North Luzon Area Business Conference (NLABC) ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)-North Luzon ngayong taon sa Cauayan City.

Gaganapin ito ngayong ika-8 hanggang ika-9 ng Agosto sa Isabela Convention Center (ICON) na may temang “Empowering North Luzon for Sustainable Future.”

Ayon kay Atty. Maria Amalia Tiglao-Canayan, Chairman, 33rd NLABC/area Vice-President PCCI-North Luzon, napili nila ang siyudad ng Cauayan dahil sa pagkakaroon ng accessibility ng transportation at accommodation.

Ang aktibidad ay inaasahang dadaluhan ng National at Local government officials, mga negosyante mula a Region I, II, III, Cordillera Administrative Region (CAR), iba pang mga organisayon at mga stakeholders.

Dagdag pa ni Canayan ang gaganaping conference ay magbibigay ng plataporma sa mga negosyante upang magkaroon ng kolaborasyon, magbahagian ng kaalaman at magbibigay ng pagkakataon para panatilihing mapalago ang ekonomiya ng buong Region 2.

Malaki naman ang pagpapasalamat ni Cauayan City, Mayor Caesar S. Dy Jr. sa PCCI sa pagkapili ng kanilang lugar.

Nangako si Mayor Dy, na ibibigay niya ang 110 percent sa PCCI para maging matagumpay ang gaganaping conference.

Ang mga program umano ng PCCI ay makakatulong sa mga programang ipinapatupad ng kanyang siyudad.

“Alam niyo po in your program you actually hitting 5 programs, 1. Good jobs for Economic Growth, 2. Innovation and Infrastructure, 3. Sustainable Cities and Communities, 4. No poverty at ang favorite ng Cauayan City, 5. Partnership for goals,” ayon pa kay Mayor Dy.

“Everything won’t happen kung mag-isa lang po kami, it’s a trademark of Cauayan City that we partnered, and we find different agencies that has the same goals as us. And by partnering different agencies we deliver more, we deliver faster the programs that we implement here,” saad pa ng alkalde.

Binigyang-diin ng alkalde na isa sa magandang epekto sa mga programa ng PCCI ay nagbibigay ito ng kapangyarihan sa mga negosyante upang mas lalo pang mabuhay ang ekonomiya hindi lang sa Cauayan City kundi sa buong Region 2.

At ang tulong na naibibigay ng mga programa sa mga alkalde ng bawat lungsod ng Region 2 ay ang mga buwis na makokolekta nila ay maibibigay nilang muli sa kanilang mga kababayan.

Ayon naman kay Gary Ka Hong U. Chong, Co-Chair, 33rd NLABC /Regional Governor, PCCI-Region II, inaasahan umano nilang magiging matagumpay ang gaganaping pagpupulong dahil sa suportang ibibigay ng mga pamahalaang local ng buong probinsya ng Isabela lalong-lalo na ng LGU, Cauayan City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter