KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakalabas na ng ospital ang mga pasahero ng isang R44 Raven helicopter ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS), matapos mag-crash landing sa isang sagingan sa Lantapan, Bukidnon, Huwebes ng umaga.
Bagama’t ligtas na ang dalawang piloto at dalawang pasahero ng isang pribadong eroplano na nag-crash landing sa Bukidnon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng CAAP upang alamin ang dahilan ng insidente sa lugar.
Huwebes ng umaga nang mag-emergency landing ang isang R44 Raven helicopter ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS) na may registry na RP-C189 sa Sitio, Babahagon, Lantapan, Bukidnon.
Napag-alaman na dalawang piloto at dalawang pasahero ang nakasakay sa chopper, at sa kabutihang palad, lahat ay nakaligtas.
Nabatid na si Jared Hoewing ang PAMAS helicopter pilot ay nagpapalipad malapit sa base sa Valencia City, Bukidnon, na may humigit-kumulang 3,000 feet ang taas nang mawalan ng kuryente ang helicopter, kaya napilitan siyang mag-emergency landing sa isang banana field mga 5 kilometro mula sa airbase.
Sa isang eksklusibong panayam ng SMNI News kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB).
Kinumpirma rin ni Apolonio na hindi pala nagsumite ang piloto o ang PAMAS ng flight plan bago ang isinagawang paglipad.
Ayon din sa CAAP, posibleng ma-sanction ang mga operator kapag hindi nagpapasa ng flight plan ang mga ito bago lumipad.
Pero sa kaso ng PAMAS, patuloy pa ang imbestigasyon kaya hindi pa batid kung anong sanction ang maaring kahaharapin ng PAMAS sa CAAP na magsumite muna ang piloto o ang operator ng flight plan bago magpalipad.
“Well sa mga aircraft airline po nag fifile po sila ng flight plan sa CAAP, basta lilipad na lang sila na walang abiso sa CAAP,” ayon kay Eric Apolonio, Spokesperson CAAP.