TULOY ang normal na operasyon ng mga paliparan sa Bicol Region bagama’t nakansela ang ilang flights ng Cebu Pacific.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nananatiling normal ang operasyon ng pitong paliparan na nasa sa Legazpi, Naga, Virac, Masbate, Daet, Sorsogon at Bulan, Sorsogon.
Gayundin ang operasyon ng mga paliparan sa Region 1 at 2.
Naghahanda naman ang mga tauhan ng CAAP sa Bagyong Egay habang nakararanas ang Bicol ng bahagyang pag-ulan.