4 suspek sa ilegal na droga naaresto sa Pasay City

4 suspek sa ilegal na droga naaresto sa Pasay City

ARESTADO ang 2 foreign national, isang Pilipino habang isa pang Pinoy ang target ng follow up operations ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sa ilalim ng pangunguna ng Special Operations Unit NCR, ikinasa ang isang Anti-Illegal Drugs Operations nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 7, 2024, katuwang ang iba pang operatiba ng Pasay City at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nahuli ang mga suspek sa mismong tinutuluyan nito sa Brgy. 76, Zone 10, Pasay City.

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang 1 kilo ng shabu, 80 grams ng cocaine, 71 grams ng ketamine, 135 grams ng high-grade marijuana (kush), 9 pcs, Liquid marijuana, 16 pcs. liquid ecstasy, 359 pcs. ecstasy, at 584 pcs. ecstasy na may estimated standard drug price na P9.4-M.

Bukod sa drug evidence, narekober din ang 2 armas at mga bala nito.

Agad na dinala sa PNP DEG, SOU NCR ang mga suspek para sa documentation at proper disposition.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble