NAGKAROON ng 385 bagong graduates ang Las Piñas Manpower Training Center.
Nagtapos ang mga ito nitong Hunyo 27, 2023.
Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, isang patunay aniya ang bilang ng graduates sa layunin ng lungsod tungo sa kalidad na edukasyon at magandang vocational training opportunities.
Ang mga programa na inaalok sa training center ay automotive servicing, housekeeping, computer systems operations, cookery, at shielded metal arc welding.
Mayroon ring massage therapy, hairdressing, food and beverage services at marami pang iba.