400 PDLs sa Santiago City sumailalim sa Oplan Galugad

400 PDLs sa Santiago City sumailalim sa Oplan Galugad

UPANG masawata ang mga posibleng kontrabando kagaya ng mga patalim, ilegal na droga atbp. na maaaring nakatago sa mga piitan ay nagsagawa ang Santiago City District Jail-BJMP Santiago City ng Oplan Galugad.

Ang nasabing hakbang ng mga awtoridad ay alinsunod sa programng Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan (BIDA) program ng DILG na naglalayong manghikayat na tuluyang iwaksi sa loob ng piitan ang iligal na droga.

Aabot naman sa mahigit 400 persons deprived of liberty (PDLs) sa nabanggit na facility ang sumailalim sa Oplan Galugad at ito’y nagtagal ng mahigit dalawat kalahating oras, sumailalim naman sa maayos na debriefing ang mga PDL.

Ayon kay PCapt. Ricardo M. Dillig ang acting station commander ng SCPO STN4, wala naman aniyang narecover o nakuha na kahit na anumang kontrabando sa loob ng nasabing piitan at naging maayos naman ang kooperasyon ng mga inmates.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter