400 sundalo, ipinadala sa Eastern Visayas para puksain ang natitira pang CTGs

400 sundalo, ipinadala sa Eastern Visayas para puksain ang natitira pang CTGs

NASA Calbayog Samar na ang 4th Scout Ranger Battalion para maging katuwang ng 8th Infantry Division (8ID) kaugnay sa nagpapatuloy na anti-insurgency campaign ng pamahalaan sa Eastern Visayas.

Nasa 400 kasundaluhan ang kasalukuyang nagsasagawa ng pagpaplano at operasyon para sa ikapupuksa ng mga natitira pang girelya sa buong rehiyon ng Eastern Visayas.

Agad na pinayuhan ni 8ID Commander Maj. Gen. Camilo Z. Ligayo ang 4th Scout Ranger Battalion na maging mapagmatyag at alerto sa bawat hakbang na gagawin ng mga ito sa kani-kanilang area of operations.

Sa kabila nito, iginiit din ni Ligayo na tiyaking hindi maabuso ang karapatang pantao ng mga kalaban sa estado habang nasa misyon.

Batay sa impormasyon, pinangunahan din ng 4th Scout Ranger Battalion ang dagdag na pwersa kontra insurhensiya sa Caraga Region ng Northeastern Mindanao.

Bago ang deployment ng mga sundalong ito, sumailalim muna sila sa isang madugong pagsasanay sa Australia para sa air-to-ground combat and small-unit operation capabilities.

Nasa 4 pang communist terrorist fronts ang kasalukuyang aktibo sa Eastern Visayas na pinakamarami sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter