400 trainees ng PCG, nagtapos ng kanilang training

400 trainees ng PCG, nagtapos ng kanilang training

HUMIGIT-kumulang 400 lingkod bayan ang sabay-sabay na nakatapos ng Philippine Coast Guard (PCG) training sa Regional Training Center Taguig nitong nakaraang linggo.

Pinangunahan mismo ni PCG commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang graduation ceremony ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 95-2022 “Mandilaab” na binubuo ng 376 na male trainees.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni CG Admiral Abu ang kahalagahan ng katatagan ng isip at katawan, pasensiya, at determinasyon, tungo sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Hinimok din ng komandante ang mga bagong miyembro ng PCG na manatiling mapagkumbaba at isabuhay ang pagiging “servant leader.”

Dagdag pa rito, binati ni CG Admiral Abu ang pamilya at mahal sa buhay ng CGNOC Class 95-2022 na malaking bahagi sa pagkamit ng kanilang pangarap na maglingkod sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter