ISINAGAWA ang 40th Malaysian-Philippines Air Working Group (AWG) Meeting sa Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga.
Nanguna sa pagpupulong si Colonel Jose Johnson Grayda, Assistant Chief ng Air Staff for Education and Training ng Philippine Air Force sa panig ng Pilipinas.
Habang si Colonel Mohd Najib Bin Saad, Assistant Chief of Staff ng Air Operations Command ng Royal Malaysian Air Force ang nanguna sa panig ng Malaysia.
Layunin ng AWG meeting na talakayin ang mga usapin patungkol sa edukasyon at pagsasanay, pagpapalitan ng mga tauhan, at iba pang may kaugnayan sa defense cooperation ng Pilipinas at Malaysia.
Bago nito, bumisita ang apat na delegado ng Malaysia kay Philippine Air Force Acting Vice Commander Major General Augustine Malinit na kasalukuyang Commander ng Air Defense Command.