GINAMIT ng Philippine Air Force ang kanilang Super Huey para magsagawa ng Heli bucket operations sa Sucat, Parañaque.
Ito ay para tulungan ang mga bumbero na maapula ang sunog sa warehouse ng mga kahoy.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, ilang beses na nagsagawa ng Bambi Bucket operations ang nasabing aircraft hanggang sa tuluyang naapula ang apoy.
Wala namang naiulat na nasawi sa sunog.
Tiniyak ni Colonel Castillo na sa panahon ng emergency ang Philippine Air Force ay laging nakahandang tumulong sa pagliligtas ng buhay at ari-arian.