SUSUNOD ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ipagbawal na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ayon sa PAGCOR, naniniwala rin silang makatutulong sa mga Pilipino ang pagbabawal na ito.
Sinabi nga lang ng PAGCOR na aabot sa 42-K ang mga Pilipino na mawawalan ng trabaho.
Sa kabila nito ay nag-usap na anila sila at ang Department of Labor and Employment (DOLE) para resolbahin ang mawawalan ng trabaho bago ang taong 2025.