42 katao, kumpirmadong nasawi sa Maguindanao dahil sa malakas na pag-ulan sa lugar

42 katao, kumpirmadong nasawi sa Maguindanao dahil sa malakas na pag-ulan sa lugar

HALOS 50 katao na ang kumpirmadong nasawi sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao dahil sa pagbaha sa lugar.

Ito ang kinumpirma ng BARMM Ministry of the Interior and Local Government.

Ang mga nasawi ay maaring nalunod sa baha o natabunan ng landslide ang mga biktima.

Ang naiulat na nasawi ay mula sa Datu Odin Sinsuat; Datu Blah T. Sinsuat; at Upi.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang rescue operation ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro hinggil dito.

Samantala, pinagana na ng 6th Infantry Division ang kanilang disaster response units dahil sa nararanasang pagbaha sa Cotabato City at Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesperson Lieutenant Colonel Dennis Almorato, naka-deploy na ang kanilang mga military truck upang magsagawa ng rescue operation sa mga na-trap na residente.

Nabatid na mahigit 30,000 indibidwal ang apektado ng pagbaha.

Maliban sa Cotabato City, may pagbaha rin sa Pigkawayan, Upi, at Datu Odin Sinsuat.

Follow SMNI NEWS in Twitter