44 katao, nasawi sa pagsabog sa Islamist political rally sa Pakistan

44 katao, nasawi sa pagsabog sa Islamist political rally sa Pakistan

NASAWI sa pagsabog sa Islamist political rally sa Pakistan ang 44 katao.

Nasawi ang 44 katao at mahigit sa 100 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang rally sa Pakistan na inorganisa ng Islamist Party.

Ayon sa mga pulisya, posibleng isang suicide attack ang insidente.

Nagbabala naman ang mga opisyal na maaaring mas dumami pa ang bilang ng mga nasawi dahil nasa kritikal na kondisyon ang 15 sa mga nasugatan.

Kinumpirma naman ng pulisya na dinala na ang mga malubhang napinsala sa Peshawar para sa agarang medical treatment.

Samantala, kasama sa binawian ng buhay ang regional leader ng Jamiat Ulema-e-Islam F (JUI-F) na si Maulana Ziaullah.

Iniimbestigahan na ngayon ng security force ang dahilan ng pagsabog.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter