4,500 benepisyaryo sa Cavite, nakatanggap ng tulong mula sa AICS

4,500 benepisyaryo sa Cavite, nakatanggap ng tulong mula sa AICS

MASAYANG pinangunahan ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang pamamahagi ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) sa mga benepisyaryo nito na ginanap sa Dasmariñas Arena, Dasmariñas Cavite.

Kasama ni Sen. Revilla sa pagbabahagi ng AICS ang kaniyang anak na si Cong. Brian Revilla, at BM Ram Revilla kasama si Dasmariñas Mayor Jenny Barzaga, anak nitong konsehal na si Kiko Barzaga at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Maliban sa AICS ay personal na namahagi ng tulong si Sen. Revilla sa 10 napili na mga benepisyaryo na nakatanggap ng tig-2,000 at halagang 10,000 naman sa isang senior citizen na masuwerteng nanalo mula sa naging palaro ng butihing senador.

Ang nanalo na si Ginang Alita Nacional, labis ang pasasalamat sa tulong na natanggap.

 “Maraming-maraming salamat po, ito pong ibinigay sa aming tulong na napanalunan ko gagamitin po namin sa pang-araw-araw po na pangangailangan po tulad ng bigas, ulam at lahat po mga pangangailangan po. ‘Yun po ay malaking halaga po para sa amin sa tulong na ito na ibinigay po sa akin ng butihing Senador Bong Revilla. Mabuhay po kayo God bless po,” ayon kay Alita Nacional Tapang, Residente ng Brgy. San Antonio de Padua 1, Senior Citizen.

Nagpasalamat naman si Sen. Revilla sa mainit na pagtanggap nila Cong. Pidi at Mayor Jenny Barzaga at DSWD.

“Salamat sa mainit na pagtanggap nila Cong. Pidi Barzaga at Mayor Jenny at talagang ang ganda ng pa-birthday nila sa akin, salubong sa aking kaarawan ilang araw before we celebrate, damang-dama natin ang pagmamahal ng mga taga-Dasmariñas.

Nagkakahalaga ng P9-M na tulong-pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) AICS program ang ipinamigay sa 4,500 benepisyaryo sa Cavite nitong Setyembre 20.

“Nasa 4,500 na tig-2,000 leave it to DSWD kaya sinasaluduhan din natin ang mga taga-DSWD alam kong wala rin silang pahinga kaya happy ang mga taga-Dasmariñas ngayon,” ayon kay Sen. Ramon Revilla, Jr.

Ang pag-aabot ng suportang pinansiyal na ito ay naging posible dahil sa pakipagtulungan nina Sen. Revilla at DSWD para makapagbigay tulong at serbisyo sa publiko.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble