47k OFWs, apektado ng partial ban sa Kuwait

47k OFWs, apektado ng partial ban sa Kuwait

TINATAYANG aabot sa 47-k na overseas Filipino workers (OFWs) ang maapektuhan sa ipinatupad na partial deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Hans Cacdac, batay ang tansyang ito sa workforce na pumunta sa Kuwait noong 2022.

Magugunitang ipinatupad ang ban sa first-timer na OFW papuntang Kuwait kasunod sa malagim na pagkamatay ni Jullebee Ranara sa bansa.

Samantala, bilang hakbang na rin ng DMW ay ipinangako ni Cacdac na magkakaroon na sila ng mas masinsinang information at orientation campaigns o seminars para sa mga OFW at employers na magtatrabaho abroad.

Ito’y para may malalimang pag-unawa ang OFWs at employers sa kultura at katangian ng pupuntahang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter