BUKAS na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa pagtanggap ng aplikasyon para sa 48th Season PBA draft.
Inaanyayahan ang mga basketball player na may edad na 22 taong gulang o 19 taong gulang na may dalawang taon sa kolehiyo na magsumite ng kanilang aplikasyon.
Itinakda naman ang deadline ng pagsumite ng aplikasyon hanggang sa 5:00 ng hapon sa Setyembre 10, 2023.
Kabilang sa mga requirement para sa local players ay 2pcs. ng 2×2 ID picture, original copy ng Philippine Statistics Authority (PSA) birth certificate, school records kung 19 taong gulang, at PBA application form.
Para naman sa mga Fil-foreign players, kailangan lamang isumite ang kanilang valid Philippine passport, school records kapag sila ay nasa 19 taong gulang pa lamang, 2pcs. ng 2×2 ID picture, at PBA application form.
Isusumite naman ang mga requirement sa tanggapan ng PBA sa 186 E. Rodriguez, Jr. Ave. Bagumbayan, Quezon City.