IBABABA na sa 49 pesos per kilo sa March 1, 2025 ang maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na mga bigas.
Mula ito sa ipinapairal sa kasalukuyan na 52 pesos kada kilo na MSRP.
Noong January 20 nang unang ipinatupad ang MSRP sa imported na bigas na nasa halagang 58 pesos kada kilo.
Ito’y upang matiyak na nananatiling abot-kaya ang presyo ng bigas para sa consumers habang pinapanatili ang kakayahang kumita ng mga nasa rice industry.
Samantala, sa paliwanag, layunin ng dahan-dahang pagbaba ng MSRP sa imported na mga bigas ang mabigyan naman ng sapat na panahon ang importers sa transition tungo sa mas mababang presyo nito at para maiwasan ang destabilisasyon sa agri sector.