4ID, ipinakita ang mga kagamitan at kakayahan sa publiko sa ginanap na Static-Kinetic Display

4ID, ipinakita ang mga kagamitan at kakayahan sa publiko sa ginanap na Static-Kinetic Display

IPINAKITA ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang mga kagamitan at ipinamalas ang kanilang mga kakayahan sa ginawang Static-Kinetic Display with Peace Concert.

Ang nabanggit na aktibidad ay bahagi ng ika-127 anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Army na ginanap sa Misamis Oriental Provincial Capitol Grounds sa Cagayan de Oro City.

Maliban sa naturang selebrasyon, paraan din ito ng kasundaluhan na ipakita nang personal sa publiko ang mga kagamitan ng militar at upang mas maintindihan ang ibang papel na ginagampanan ng mga sundalo maliban sa pakikipagbaka.

Ayon naman kay 4ID Commander Major General Jose Maria Cuerpo II na ang ginawang aktibidad ay isang paraan upang masuklian ang patuloy na tiwala at suporta ng mga stakeholder sa Philippine Army.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang ginawang Static-Kinetic Display ay hindi lang pagpapakita ng tunay na lakas ng kasundaluhan kundi nais din nitong ipakita ang kanilang dedikasyon na mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble