5-6K mga gusali ng gobyerno sa buong bansa, hindi compliant sa fire code—BFP

5-6K mga gusali ng gobyerno sa buong bansa, hindi compliant sa fire code—BFP

NASA 5–6K na gusali o opisina ng gobyerno sa buong bansa ang hindi nakasusunod sa fire safety standard.

Sa panayam ng SMNI News kay Bureau of Fire Protection (BFP) chief Dir. Louie Puracan, sinabi niya na karamihan sa naturang bilang ay pawang mga public schools.

Aniya nasa humigit-kumulang 3K public schools building ang hindi compliant sa fire code.

Matapos ang nangyaring pagkakasunog sa historical building na Manila Central Post Office kamakailan ay agad ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa BFP ang pagsusumite ng listahan ng iba’t ibang gusali ng gobyerno na hindi compliant sa fire safety standard.

At mula sa pagdetermina sa mga hindi compliant na gusali ay kanila itong tutulungan o gagabayan para makasunod sa fire safety standard.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter