50 BIFF, sumuko sa pulisya sa Maguindanao

50 BIFF, sumuko sa pulisya sa Maguindanao

SINAKSIHAN ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pagsuko ng 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Camp Brigadier General Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao.

Pinasalamatan ng Chief PNP ang desisyon ng mga BIFF na yakapin ang kapayapaan at makipagtulungan para sa magandang kinabukasan sa kanilang komunidad.

Kasabay nito, iprinisenta ni Acorda ang “PEDTABANGA TANU” livelihood assistance program para matulungan na makapagbagong-buhay ang mga sumukong BIFF.

Naniniwala ang opisyal na sa pamamagitan ng livelihood training, skills development, at financial aid ay matitiyak ang kinabukasan ng mga sumukong BIFF.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter