50-K magsasaka sa Batangas, mawawalan ng lupa

50-K magsasaka sa Batangas, mawawalan ng lupa

MAWAWALAN ng lupa ang nasa 50,000 magsasaka na benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Nasugbu, Batangas.

Ito’y dahil kinansela ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kanilang certificate of land ownership alinsunod sa isang ruling na inilabas noong Disyembre 29, 2023.

Sa ulat, kailangang lisanin ng mga nakatira ang Hacienda Caylaway kung saan sakop nito ang mga barangay tulad ng Bilaran, Cogunan, Catandaan, Keparo at Aga.

Ang hakbang ay para bigyang-daan ang pagkuha muli ng Roxas & Company Inc. sa mga lupang kanilang pinagmamay-ari na walang iba, ang Hacienda Caylaway.

Ikinalungkot ito ng mga magsasaka dahil hindi anila sila ipinaglaban ng DAR kung kaya’t nananawagan na sila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang kanilang problema.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble