500 PDLs ng NBP sa Muntinlupa, inilipat na sa Zamboanga City

500 PDLs ng NBP sa Muntinlupa, inilipat na sa Zamboanga City

NAILIPAT na ng kulungan ang 500 persons deprived of liberty (PDLs) o panibagong batch ng mga bilanggo mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, bilang bahagi ng decongestion program ng Bureau of Corrections (BuCor) para mapaluwag o mabawasan ang kapasidad.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na dahil diyan ay umabot na sa kabuuan na 3993 na mga PDL ang nailipat na sa iba’t ibang mga piitan sa labas ng Metro Manila simula Enero.

Mula sa naturang bilang ay 999 ang nailipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan; 1,000 sa Davao Prison and Penal Farm; 1,000 sa San Ramon Prison and Penal Farm at 448 sa Leyte Prison and Penal Farm.

Layunin kasi na i-convert bilang government center, open park at iba pa ang 350 hectares na lupain ng BuCor sa Muntinlupa City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble