NAGSAGAWA ng isang record-breaking na drug bust operation ang mga awtoridad sa San Diego, California sa isang trak na tumawid sa border ng Amerika mula sa Mexico.
Mahigit sa 5L libra ng methamphetamine ang nasamsam ng mga awtoridad ng San Diego malapit sa hangganan ng Tijuana, Mexico at tinatayang pinakamalaking meth bust sa syudad.
4 na lalaki mula sa Tijuana, Mexico ang inaresto at kinasuhan ng krimen sa pagbabahagi ng pinagbabawal at mapanganib na droga na methamphetamine, o mas kilala sa tawag na meth.
Sakay sila ng isang 20-foot commercial truck na tumawid sa hangganan o border dala ang 148 bag ng meth.
Sinundan ng pulis ang sasakyan patungo sa National City, California, kung saan nakita ng mga ahente ang mga akusado na lalaki na naglalabas ng dose-dosenang mga karton na kahon. Ang mga bundle na natagpuan sa mga kahon, positibo sa meth.
Noong Abril, nasamsam ng mga opisyal ng Customs at Border Protection ng US sa California ang mahigit 400 pounds ng meth, cocaine, at heroin na nakatago sa mga toolbox na dinadala sa US.
Noong 2020, mahigit 23K mga Amerikano ang namatay dahil sa overdose ng meth, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.