MARAMING Pilipino ang naniniwala na mananatili ang estado ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 6 na buwan.
Sa resulta ng December 10-14 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, nasa 51% ang naniniwala na walang magiging pagbabago sa ekonomiya ng bansa habang nasa 38% ang naniniwala na magkakaroon ng pagbabago.
Nasa 8% naman ang naniniwalang lalala pa ito.
Sa kabilang banda, sa mga naniniwala na magkakaroon ng positibong pagbabago ang ekonomiya, 53% ay nagmumula sa Visayas habang 30% ang mula sa Balanced Luzon.