Magalang, Pampanga – Nagtipun-tipon ang libu-libong Kampampangan mula sa iba’t ibang bahagi ng probinsya sa isinagawang nationwide “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally ng PDP-Laban noong Abril 5. Ito ay isinagawa ng kampo ng senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa 26 pang lokasyon sa bansa.
Isa sa mga nagsalita sa rally si Bae Anna Jessa Mae Crisostomo, national representative ng Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization. Giit niya, mahalaga para sa mga katutubong Pilipino na magkaroon ng boses sa Senado. Para sa kanila, si Pastor Quiboloy ay napatunayan nang lider, kahit hindi pa man naihahalal.
“Importante po sa aming mga katutubo si Pastor Apollo Quiboloy. In-adopt po namin siya bilang Datu Pamulingan—isang natatanging pagkilala ng mga katutubo,” pahayag ni Crisostomo.
Kinilalang Datu Pamulingan si Pastor Apollo Quiboloy ng Obo Manobo tribe sa Mindanao noong 2022 dahil sa pagmamahal at malasakit nito sa mga katutubo.
Sa kasunod na taon, ang B’laan tribe naman ang kumilala kay Pastor Quiboloy bilang Datu Tud Labun o ‘tagapamagitan sa langit at lupa’. Ayon sa mga katutubo, si Pastor Quiboloy ang magsisilbing daan ng mga tribo sa espiritwal na mundo.
Ang mga ganitong pagkilala ay isang sagradong bagay para sa mga katutubo at hindi basta kanino lang iginagawad.
Isang halimbawa nga ng malasakit at serbisyo ng butihing pastor sa mga katutubo ay ang pagkakatatatag ng United Indigenous Peoples Heritage of the Philippines (UniPhil) na binuo nito upang tulungan ang mga katutubo sa kanilang pangunahing pangangailangan. Kabilang din na tulong ang legal assistance sa kanilang sektor upang masiguro na ang karapatan ng bawat katutubo ay hindi nayuyurakan.
Samantala, isa rin sa mga plataporma ni Pastor Quiboloy ay ang pagtatatag ng Indigenous Pilipino (IP) Museum at amyendahan ang RA No. 8371 o IP Rights Act upang itaguyod ang kamalayan at pagpapahalaga sa mga kulturang katutubo para sa mga Pilipino at mga turista.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com