NASAWI ang nasa 54 katao sa Tora, Sudan dahil sa military airstrike na nangyari sa isang lokal na pamilihan.
Umabot naman ng 23 ang sugatan at pito ang nawawala dahil dito.
Ayon kay General Coordination Spokesperson Adam Rejal, naging sanhi ng sunog sa Tora ang naturang airstrike.
Sa pahayag ng Sudanese military, hindi nila tinatarget ang mga sibilyan sa naturang airstrike.
Matatandaan na may nagpapatuloy na kaguluhan sa Sudan ngayon na nagsimula pa noong Abril 2023.
Follow SMNI News on Rumble