NAMATAY sa airstrike noong Marso 23 ang isa sa mga lider ng Hamas militant group na si Salah al-Bardaweel.
Isa siya sa 30 nasawi sa mga pag-atake ng Israel sa Rafah at Khan Younis. Mismong opisyal ng naturang militanteng grupo ang nagkumpirma nito.
Samantala, sa halos 18 buwang labanan ay umabot na sa mahigit 50,000 ang bilang ng mga nasawi sa Palestine.