NASA 55 na mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) ang sumuko ngayong araw sa Philippine National Philippines (PNP) kasabay ng anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Pangungunahan ang seremonya ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon sa impormasyon, mga miyembro ng iba’t ibang prente at organisadong grupo ng kalaban ng estado ang mga nakatakdang sumuko sa pamahalaan.
Sangkot din ang mga ito sa iba’t ibang pag-aaklas laban sa gobyerno hindi lang sa National Capital Region (NCR) kundi sa iba pang karatig rehiyon.
Patuloy naman ang paalala at pakiusap ng PNP sa mga natitira pang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na sumuko na at ibaba ang mga armas sa ngalan ng kapayapaan.
Nitong unang bahagi ng buwan ng Disyembre nang sumuko rin ang nasa 100 miyembro ng Gabriela, Anakbayan at Bayan Muna sa poder ng Philippine National Police .
Sa kabilang banda, tiniyak naman ng PNP ang kanilang kahandaan sa inaasahang kilos protesta na maaaring gawin ng mga grupo ng makakaliwang kilusan kasabay ng kanilang ika-54 taong anibersaryo ng pagkakatatag ngayong taon.
Ilan sa mga pangunahing babantayan ng PNP ang matataong lugar katuwang ang AFP sa pagtitiyak na magiging maayos at walang gulo o anumang karahasan na mangyayari sa nasabing aktibidad ng New Peoples Army.