6.2M na Sri Lankans, nakararanas ng kakulangan ng suplay ng pagkain –FAO

6.2M na Sri Lankans, nakararanas ng kakulangan ng suplay ng pagkain –FAO

TINATAYA ng Food and Agriculture Organization (FAO), isang United Nations agency na 6.2M Sri Lankans ang nakararanas ng kakulangan ng pagkain sa kasalukuyan.

Kasunod ito sa pagtama ng 93.7% food inflation noong nakaraang buwan.

Nakikitang rason ng pagkakaroon ng kakulangan ng suplay ng pagkain sa Sri Lanka ay resulta ng maling pamamahala ng ekonomiya kasabay ang pagtama ng COVID-19 pandemic.

Sa katotohanan nga ay sa loob ng ilang buwan ay naranasan ng buong Sri Lanka ang malawakang brown out at iba pa gaya ng pagbagsak din ng halaga ng rupee.

Kaugnay nito ay napagdesisyunan ng Sri Lanka na mamahagi ng cash assistance sa apat na milyong kabahayan.

Ang apat na milyon na ito ay ang itinuturing na pinakaapektado sa pagbagsak ng ekonomiya ng Sri Lanka.

Isang loan din mula sa Asian Development Bank o US$200 million ang gagamitin para sa pagresolba ng krisis sa pagkain.

Follow SMNI NEWS in Twitter