AABOT sa 6,000 na mga doktor at nasa 4,000 na mga nurse ng Pilipinas ang patuloy na nakikibaka kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Marikina Representative Stella Quimbo habang sinusuportahan sa Kamara ang proposed P301-billion na budget para sa Department of Health (DOH).
Saad pa ni Quimbo, may mga bagong ospital na idadagdag at ipatatayo at kailangan ito ng manpower at kailangan din ng mapunuan ang mga plantilla positions.
Dagdag pa ni Quimbo ang numero ay bahagi ng 21, 021 na hindi napunang posisyon sa DOH.
Aniya, ang recruitment ay mahirap dahil sa lower salaries na ibinibigay sa government sector.
Gumagawa rin ng paraan ang ahensya para mapataas ang salary grades ng mga doktor kabilang ang mga psychologist para matugunan ang mga pangangailangan sa mental health.