Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz, nagbigay ng weightlifting equipment sa AFP

Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz, nagbigay ng weightlifting equipment sa AFP

NAKATANGGAP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng weightlifting equipment mula kay Olympic Gold Medalist at Philippine Air Force Staff Sergeant Hidilyn Diaz-Naranjo.

Ayon kay AFP public affairs office chief Colonel Jorry Baclor, ang mga donasyon ay sa pakikipagtulungan sa Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na pinamumunuan ni Monico Puentevella.

Opisyal na tinanggap ang mga donasyon ni AFP deputy chief of staff for personnel Major General Adriano S. Perez Jr. na kumatawan kay AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.

Nagpasalamat si General Perez sa mga weightlifting equipment na inatasang makakatulong sa soldier-athletes sa kanilang pagsasanay para makasungkit ng Olympic medals.

Si Staff Sergeant Diaz ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Olympic Gold Medal noong 2020 Tokyo Olympics.

Follow SMNI News in Twitter